Blog Entry..pag-ibig at bus ride.Apr 3, '08 4:11 AM
for everyone
nagtytype ako sa kompyuter dito sa opisina alas dos ng tanghali. lamig na lamig. sipong sipon. pakshet naman kasi, todo performance ang aircon kung saan malapit pa sa pwesto ko. habang nagtatrabaho at nakikinig ng radio sa aking cellphone, biglang my nagtext, si day.

"makakapili ka ng lugar na uupuan mo pero hindi mo mapipili ang taong tatabi sa bakanteng upuan sa gilid mo... ganyan ang senaryo sa bus. ganyan din ang pag-ibig"

napaisip ako.

totoo ba?

inisip ko kung maiaapply to sa kin.

mga five minutes din akong natigilan.




*isip isip isip*




*relate relate relate*




haay.

ang konklusyon...

*with conviction*
im sorry, i beg to disagree!


paanu kung yung sumakay sa bus na naghahanap ng mauupuan ay mukhang holdaper, manyak, o taong grasa? basta yung hindi mu gusto. naghahanap ng mauupuan? tas bakante nga ung nasa tabi mo? ako, malamang sa hindi, magtutulog-tulugan at uupo ng upong pantamad. alam nyo un, ung nakahilata. o kahit anong posisyon (uuyy, parang sex) basta lang makakuha ng clue ung naghahanap ng upuan na wala akong balak magpaupo sa tabi ko. uupo ba sha sa tabi ko? chances are..HINDI! in short, sa pag-ibig, kung alam mo na na hindi mo gusto ung nagpaparamdam sa yo, maaga pa lang umiiwas ka na.

paanu kung ung sumakay naman at naghahanap ng upuan ay ung tipo na malayo pa lang ambango na, mukhang mabango kahit pagpawisan, at *ehem* good-looking. yun tipong sha ang gusto mong tumabi sa yo. di ba pag malapit na sha, nag-eeffort tau na umusod para maging malaki ung space sa tabi natin? kasi, pag mas malaki ung vacant space sa tabi natin, mas malaki ung chance na umupo sha sa tabi mo. in short, sa pag-ibig, kung alam mo na gusto mo ung nagpaparamdam sa yo, maaga pa lang gumagawa ka na ng paraan na maging ok kayo.

ang tanong, paano kung bigla na lang umupo sa tabi mo? kunwari hindi mo nakita or naramdaman biglang andun na sha sa tabi mo. masasabi bang wala kang choice? aba hindi, kasi my choice ka na either magstay sa upuan mo dahil harmless naman kung magsstay ka or lumipat ng ibang upuan kung talagang hindi tolerable ung katabi mo. simple.

ang bottomline lang naman kasi, sa dinadami dami man ng bagay dito sa mundo, simple man o magulo o abstract, kahit sa pag-ibig pa, sa lahat ng sitwasyon, merong choices. bakit pa tau nagkaron ng utak kung hindi rin naman mag-iisip di ba?

27 CommentsChronological   Reverse   Threaded
benedictnatividad wrote on Apr 3, '08
lalim nito ah ng dahil lang sa isang text msg..hehehe..anyway pareho tayo ng ininisip nung nareceive ko to...I be to disagree..hehehe
edgyboi wrote on Apr 3, '08
tama malalim nga at hango sa puso,pero sa pagkakaintindi ko, SANG-AYON ako na "di mo talaga mapipili ang taong tatabi sa bakanteng upuan sa gilid mo..tulad ng pag-ibig". Una, me bakanteng puwang sa tabi mo, di malamang may uupo't-uupo dun. Pangalawa, pwede ka umiwas (umalis o lumipat) pero san ka pupunta kung puno na ang bus. At tsaka, kahit baliktarin mo ang sitwasyon,lumalabas,ikaw naman ngayon ang tatabi sa taong walang choice kundi magpatabi sayo. Pangatlo, sa pag-ibig, makakapili ka ng gusto mo pero hindi ng gugusto sayo, unless me warning kang bawal mainlab sayo. teka,magiisip pa ako ng, basta at the moment, resolbado na ako dito.

PS: sa kabilang banda at basi sa karanasan ko nito lang, pwede mong piliin ang tatabi sayo bus, yun nga lang, walang nangyayari sa pagkakataong yun, at umaasa ka lang na sa tuluyan, magkatabi kayo saan man ang biyahe nyo-:)
iamtheraingirl wrote on Apr 3, '08, edited on Apr 3, '08
..my mga point si edge. sabagay, ang usaping ganito naman ay subjective eh. sa iba't ibang anggulo nakikita. pero basta, disagree pa rin ako.
iamtheraingirl wrote on Apr 3, '08
anyway pareho tayo ng ininisip nung nareceive ko to
..hehe, ayos, my kakampi ako. weeh!
edgyboi wrote on Apr 3, '08
aia, bilis kampihan moko..haha true,subjective yan..see PS ko..futile haha
iamtheraingirl wrote on Apr 3, '08
edgyboi said
aia, bilis kampihan moko..haha true,subjective yan..see PS ko..futile haha
..hahahaha! tumawag ba ng reinforcements. e si aia naman walang pakialam kung sino man ang tumabi sa kanya sa bus eh. tama ba aia?? potah parang gulay at kendi ata hahantungan ng blog entry ko ah. hehe.
thealumnidiary wrote on Apr 3, '08
hmmm. my turn. hehe

sa unang sitwasyon, kung talagang alam mo nang hindi mo gusto ang tatabi sayo, totoo namang maaga palang ay todo iwas na. eh paano kung sayo lang talaga gustong tumabi? as in persistent kahit ayaw mo. matatanggihan mo pa bang iaalok ang upuan? eh pano nmana kung ang upuan mo lang ang bakante? hmmm. wala na xang choice at wala ka na choice?

pangalawa, pano kung kahit gaano mo palakihin ang space eh sa ibang lugar pa rin umupo? o di kaya naman ay mas mamatamisin pa niyang tumayo kaysa tumabi sayo? masakit yun.

pangatlo, kung nagkabiglaan, iiwas ka na lang ba lagi. pano kung wala na ngang ibang maupuan? o di kaya naman ay mapapahiya ang taong tumabi sayo kung bigla mo siyang iwan without any apparent reason. kaya ba ng loob mo ang mga tingin niyang nagtatanong oh di kaya'y mga tinging ipupukol ng ibang tao?

mahirap ang ganan.
iamtheraingirl wrote on Apr 3, '08
pangalawa, pano kung kahit gaano mo palakihin ang space eh sa ibang lugar pa rin umupo? o di kaya naman ay mas mamatamisin pa niyang tumayo kaysa tumabi sayo? masakit yun.
..hahaha! eto nangyayari talaga ito. ganyan talaga ang buhay. merong rejection.
checaparas wrote on Apr 3, '08
in short, sa pag-ibig, kung alam mo na na hindi mo gusto ung nagpaparamdam sa yo, maaga pa lang umiiwas ka na.
oo nga. masama ang false hopes. haha
alexcuterockerartist wrote on Apr 3, '08, edited on Apr 3, '08
ako nakapili nko ng makakatabi sa upuan, hndi ko lang basta naisip na sya ang gus2 kong katabi..NARAMDAMAN ko ito...at un nga...
nakatabi ko na sya sa upuuan sa bus....at ang sarap ng feeling!!

(sana ganun din sya at aku rin ung gus2 nyang katabi sa upuan pauwi man o paalis)
thealumnidiary wrote on Apr 3, '08
oo nga. masama ang false hopes.
in fairness, true yan. lalo na kung gusto mo xa at nagpaparamdam xa sayo tas yun pala naggagaguhan lang kayo. haiaiaiai.
thealumnidiary wrote on Apr 3, '08
sana di na lang nangyayari yan. para kasing ang sakit. sana in the first place pa lang ay hindi ka na umasa para hindi ka rin nareject.
checaparas wrote on Apr 3, '08
sana di na lang nangyayari yan. para kasing ang sakit. sana in the first place pa lang ay hindi ka na umasa para hindi ka rin nareject.
well, hope kills. kaya tayo nasasaktan dahil sa pesteng pag-asa. haha
thealumnidiary wrote on Apr 3, '08
well, hope kills. kaya tayo nasasaktan dahil sa pesteng pag-asa. haha
true!!! so true! hai. memories are flashing right before my eyes. huhu.
checaparas wrote on Apr 3, '08
true!!! so true! hai. memories are flashing right before my eyes. huhu.
haha parang lahat ng tao nagmamadrama nowadays. haha
thealumnidiary wrote on Apr 3, '08
haha parang lahat ng tao nagmamadrama nowadays. haha
ai ewan ko ba kung ano meron sa summer! hindi ko alam kung yung araw yun o yung kawalan ng hangin! sana lang yung bus kahit anong mangyari eh sa mejo aircon naman. para more bearable. hehe
iamtheraingirl wrote on Apr 3, '08
..hahaha, emo ang moda ng mga tao. eto nga pala another scenario, naisip ko nung sumakay ako ng bus.

..paanu kung un bakanteng upuan sa bus na gusto mong upuan ay my nakaupo na, dalawa na sila. pero gusto mong umupo talaga dun kasi in the first place my space na binigay seo ung guy. basta ang bottomline pag umupo ka tatlo na kayo sa upuan na pangdalawa. nangyayari yan baka akala nyo. hehehe.
iamtheraingirl wrote on Apr 3, '08
pesteng pag-asa
..go lang che! hehehe. true yan!
iamtheraingirl wrote on Apr 3, '08
ako nakapili nko ng makakatabi sa upuan, hndi ko lang basta naisip na sya ang gus2 kong katabi..NARAMDAMAN ko ito...at un nga...
nakatabi ko na sya sa upuuan sa bus....at ang sarap ng feeling!!

(sana ganun din sya at aku rin ung gus2 nyang katabi sa upuan pauwi man o paalis)
..si alex lang ang maswerte dito. hahaha. congrats kuya. bagay talaga kayo ni tiza.
thealumnidiary wrote on Apr 3, '08
paanu kung un bakanteng upuan sa bus na gusto mong upuan ay my nakaupo na, dalawa na sila. pero gusto mong umupo talaga dun kasi in the first place my space na binigay seo ung guy. basta ang bottomline pag umupo ka tatlo na kayo sa upuan na pangdalawa.
ay. ayaw. kung kanya na, kanya na. haha. hindi naman ako ang tipong pinagsisikskan ang sarili ko no. hehe. :D kahit inalok pa sakin. i'd rather stand up noh. harhar.
alexcuterockerartist wrote on Apr 3, '08
..si alex lang ang maswerte dito. hahaha. congrats kuya. bagay talaga kayo ni tiza.
MARARAMDAMAN mo naman kc sya, hndi mo lng basta maiisip na sya ang gusto mo...un lng :)
thealumnidiary wrote on Apr 3, '08
add ko pala. paano kung may katabi ka na tapos gusto mong pasingitin or paupuin yung iba? or, paano kung magkatabi na kayo tas may pinaupo pa xa para maging tatlo? haha
iamtheraingirl wrote on Apr 3, '08
add ko pala. paano kung may katabi ka na tapos gusto mong pasingitin or paupuin yung iba? or, paano kung magkatabi na kayo tas may pinaupo pa xa para maging tatlo? haha
..aba, based on experience ba ito? hahahahaha! joke!
thealumnidiary wrote on Apr 4, '08
..aba, based on experience ba ito?
haha. laglagan na ba ito?!
edgyboi wrote on Apr 6, '08
bottom line, sana di na tumigil ang bus habang katabi mo ang gusto mo para tuloy-tuloy ang ligaya...joyride ba!-:)
iamtheraingirl wrote on Apr 7, '08
..at bumili ng mani pag my naglako sa bus. hahaha!
edgyboi wrote on Apr 7, '08
at aalukin..haha saya..havent tried that..haha
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Chris Vincent All rights reserved.